Elige una pista para reproducir

Naiinis sa sarili, shit, ba't gan'to?
Nawawala lahat-lahat ng angas ko
Bumibilis bigla tibok ng puso ko
Tila tumatakbo, oras humihinto, bakit naman gan'to?
Kapag dumadampi ang hangin sa 'kin
May bulong na parang panalangin kong gusto
Nalilinawan ang lahat at mahiwaga
Sapagkat ikaw at ako andito, oh, oh
Sadyang maganda kang talaga sa lahat, pinakamagandang nilalang
Nakakailang ulit, 'di ka matitigan nang derederetso lang
Salamat sa kalawakan, bigla kang nilapit sa 'kin
Na parang nakatakdang mangyari lahat ng 'to
Nirekta mo 'ko sa puso ko, ang lala
Higit pa sa panaginip ang tulad mo
Nahulog na bituin, hiling ko'y nasalo
Para kang 'di tagarito sa lupa, ganda mo'y 'di pangkaraniwang bihira
Oh, aking prinsesa sa tore, sa 'yo tatalon, ililigtas ka sa higanteng dragon
Ika'y diwatang bantay ng sagradong talon, kunin mo 'ko nang tuluyan
Sa 'yo na 'ko tatahan, sa 'yo na 'ko tatahan
Sadyang maganda kang talaga sa lahat, pinakamagandang nilalang
Nakakailang ulit, 'di ka matitigan nang derederetso lang
Salamat sa kalawakan, bigla kang nilapit sa 'kin
Na parang nakatakdang mangyari lahat ng 'to
Nirekta mo 'ko sa puso ko, ang lala, lala, lala
Sadyang maganda kang talaga sa lahat, pinakamagandang nilalang
Nakakailang ulit, 'di ka matitigan nang derederetso lang
Lahat-lahat sa 'kin wala nang halaga
Bukod sa 'yo, mahal, oh baby, aking sinisinta
Ikaw pinakamaganda, 'la 'kong paki sa iba, oo, wala, wala