Pangit pala 'pag ikaw 'yung naiwang mag isa
Kumilos lahat at ika'y naghintay sa wala
'Di ba kailan lang sabay tayong natutong mangarap
Saglit lang nalingat at pagdilat wala nang kasama kasama
Ganto pala 'pag 'di tayo sabay
Pakiramdam ko ako'y sumablay
Biyahe nating dalawa'y 'di panghabangbuhay
Iba na ang 'yong sasakyan at ako ay naiwan
Gara pala 'pag nakita kang nagsasaya
Kuntento na kahit hindi ako ang kasama
Ang hirap palang magpanggap na ako'y maligaya (ako'y maligaya)
Gusto kong magalit pero hindi ko makaya makaya
Ganto pala 'pag 'di tayo sabay
Pakiramdam ko ako'y sumablay
Biyahe nating dalawa'y 'di panghabangbuhay
Iba na ang 'yong sasakyan at ako ay naiwan
Ako ay naiwan
Pangit man na ako'y laging nagkukumpara
Isisi na lang sa lungkot na 'king nadarama
Sabi sa 'yo ako'y lagi lang nakasuporta (nakasuporta)
Pero sana naman naisip ako ay isama
Gusto ko lang namang makasama