Elige una pista para reproducir
Mundo ko'y gulong gulo kung ano man ang gagawin
Isang araw na pagluha akala'y takipsilim
Ngunit nang dumating ka sa buhay ko
Puso ko'y nag iba tingin ko ay nagbago
Dati ako'y nag-iisa lumuluha nalulungkot
Damdamin ay nalulumbay nag-iisa na lang ako
Ngunit nang dumating ka sa buhay ko
Araw ko'y sumikat din nawala na ang dilim
Ngayon ko lamang sasabihin sa'yo salamat
Nais kong malaman mong mahal kita
Sa paglipas ng panahon napatunayan ko
Na ikaw na nga wala nang ibang iibigin pa
Ngayon lang nakadama ng ganitong pagmamahal (ngayon lang)
Minsan na akong nasaktan (minsan na)
Ayoko nang maulit pa
Ngayon ko lamang sasabihin sa 'yo salamat
Nais kong malaman mong mahal kita
Sa paglipas ng panahon napatunayan ko
Na ikaw na nga wala nang ibang iibigin pa