Elige una pista para reproducir
May aaminin lang ako
Pagyakap muna ay ihinto
'Di ako nararapat sa ligaya na dulot mo
Puso ay nangangambang baka iyong mapagtanto
Na wala namang natatangi sa kasalukuyan na ako
Iiwas na lamang dahil sa kaduwagan
Huwag mo nang pilitin na ako ay tanggapin
'Di makakatakas sa aking nakaraan
Balang araw, makikita mo rin
Huwag na muna
Napakaraming pagkukulang
Huwag na muna
Huwag na muna
Sarili'y aayusin muna
Huwag na muna
Kaya kitang pangitiin
Pero hanggang doon lang 'yon
Ibigay sa karapat-dapat ang pagkakataon
Mga salitang mabulaklak, kailanman ay 'di rason
Para pumasa sa pagsubok ng panahon
Aking katangian kailanman ay 'di sapat
'Di kita abot kahit gawin ko ang lahat
Hihilumin na muna ang aking mga sugat
'Di ako nababagay sa 'yo
Huwag na muna
Napakaraming pagkukulang
Huwag na muna
Huwag na muna
Sarili'y aayusin muna
Huwag na muna
Huwag na muna
Huwag na muna
Huwag na muna
Huwag na muna
Huwag na muna