Ooh, oh
Sinabi mo ay aalis ka lang
Kay rami nang gumugulo sa isip mo
Kay tagal kong naghintay
Puso'y nananabik sa 'yong pagbalik
Ngunit bakit ngayon ay may kasama ka?
'Di man lang sinabi na umiibig na sa iba
Nang sa aki'y sabihin, ika'y babalik pa rin
Naghintay hanggang mga bitui'y napagod sa pagningning
Sa 'ki'y 'di man lang sinabi, iba na ang may-ari
Ng puso mo na dating angkin
Sinabi mo, pasandali ka lang
Nangako pang ako lang 'yang mamahalin
Kay sarap, bawat tibok
'Pag puso'y nananabik sa 'yong pagbalik
Ngunit bakit ngayon ay may kasama ka?
'Di man lang sinabi na umiibig na sa iba
Nang sa aki'y sabihin, ika'y babalik pa rin
Naghintay hanggang mga bitui'y napagod sa pagningning
Sa 'ki'y 'di man lang sinabi, iba na ang may-ari
Ng puso mo na dating angkin
Paano ba'ng pusong nasanay?
Paano ba itutuloy ang buhay ko? Whoa, whoa-whoa
Nang sa aki'y sabihin, ika'y babalik pa rin
Naghintay hanggang mga bitui'y napagod sa pagningning
Bakit 'di man lang sinabi, iba na, nasa puso mo
Ng puso mo na dating angkin
Dating angkin