
Ilang buwan nang magkausap 'di pa rin sigurado
Laging napapaisip kung ano ba talaga tayo
Katulad ka lang ba ng iba
Kung kailan nasanay na biglang mawawala
Pakiusap lang sabihin mo
Ano ba talaga tayo
Pag-usapan natin 'di yung malabo
'Di malaman kung saan ba patungo
Ngayon ako ay naguguluhan
Ano ba talaga tayo
Sa akin nga ba ay 'di pa sigurado
Kung may iba ay 'wag mo nang itago
Sawa na ako sa palaisipan
Ano ba talaga tayo
Ano ba talaga tayo
Malungkot ka lang ba kaya
Sa akin lumalapit ka
Iiwanan na lang ba na sugatan
'Di naman kita minamadali
Siguro takot lang akong muling magkamali
Sino ba ako para sa 'yo
Ano ba talaga tayo
Pag-usapan natin 'di yung malabo
'Di malaman kung saan ba patungo
Ngayon ako ay naguguluhan
Ano ba talaga tayo
Sa akin nga ba ay 'di pa sigurado
Kung may iba ay 'wag mo nang itago
Sawa na ako sa palaisipan
Ano ba talaga tayo
Puno ng tanong walang kasagutan
Heto ako hindi makausad
Kung ito man ang hangganan
Tumingin sa 'king mata
Sabihin mo kung
Ano ba talaga tayo
Pag-usapan natin 'di yung malabo
'Di malaman kung saan ba patungo
Ngayon ako ay naguguluhan
Ano ba talaga tayo
Sa akin nga ba ay 'di pa sigurado
Kung may iba ay 'wag mo nang itago
Sawa na ako sa palaisipan
Ano ba talaga tayo
Ano ba talaga tayo