Elige una pista para reproducir
Diyan ka lang (diyan ka lang)
'Wag ka nang mawawala
Baka lang (baka lang)
Magkandaletse-letse mga plano (letse mga plano)
Pababa na 'ko sa eroplano
Pahinga lang ta's balik-trabaho na ulit (oh)
'Di problema kung magkandapagod (hey)
Basta nandiyan ka pa rin sa akin pag-uwi
'Di patas 'yong mundo
(Kaya minsan, naiisip ko'ng ano-ano)
Pero 'pag ikaw ay kasundo
(Dito sa paligid, may mga paruparo)
Kaya kahit na patong-patong
Pinoproblema ay kayang-kaya
Ako't ika'y tamang-tama sa isa't isa, ah, ah
Lagi lang matibay at maangas (lagi), 'yokong malungkot (ayaw)
Gusto ko payapa ang utak kahit 'di na ma-, mm ('di na ma-)
Pero 'di mo makikita 'yan (whoo)
Kasi bakit pa kailangan? (Bakit?)
Gusto ko, 'pag kasama mo 'ko, 'la kang alinlangan
Ika'y lumalayo 'pag 'di na kaya, sana mapatawad (no)
Palabiro pero minsan, sarili 'di mapatawa, ha-ha
Do'n ako natatanga, pero
Kung sakali bang mawala (kung sakali bang mawala)
Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba?
'Pag nakita mo akong mahina
Mamahalin mo pa ba?
Mamahalin mo pa ba? (Oh, oh)
Mamahalin mo pa ba? (Yeah, yeah, oh, yeah, yeah)
'Yon lang ang tanong, pa'no kung maglayo?
O kaya magtampo panahon para sa isa't isa?
Magahol, kung ako tutugon
Walang imposible basta lagi kita na tanaw
Pero ayoko kapag grabe 'yong pagitan (ayaw)
Kung alam mo lang, sa pakiramdam ko ay mahirap 'yon (uh)
Lalo na kapag tayo ay may alitan (yeah)
Kinakabahan kasi baka 'di na kita makita (yeah)
Kung sakaling mapundi na sa 'kin (sa 'kin)
Papaano kita hahanapin? (Hahanapin)
Pa'no kung magsalubong 'yong galit?
Tao lang din ako na mayro'ng damdamin (yeah, yeah, yeah)
'Di tayo sigurado sa mangyayari (mangyayari)
Pero mayro'ng puwedeng matiyak (matiyak)
Sumuko sa bigat (sa bigat), tutulungan magbuhat (magbuhat)
Hanggang sa'n natin kayang paninindigan 'yong salitang "pagmamahal," at
Kung sakali bang mawala
Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba?
'Pag nakita mo akong mahina
Mamahalin mo pa ba?
Kaya 'wag ka sanang magsinungaling (sinungaling)
Kung ano mang pagsubok sa 'tin ang dumating (ano mang pagsubok ang dumating)
'Di ka ba aalis? ('Di ka ba)
'Di ka ba aalis? Yeah (oh)
'Di ka ba aalis ('di ka ba)
'Pag kalaban ko na ang lahat?
Kung sakali bang mawala (kung sakali bang mawala)
Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba? (Ako pa rin ba'y tatanggapin mo?)
'Pag nakita mo akong mahina ('pag nakita mo akong mahina)
Mamahalin mo pa ba? (Sana, sana, sana)
Mamahalin mo pa ba? (Ooh, yeah)
Mamahalin mo pa ba? (Mamahalin mo pa ba?)