Elige una pista para reproducir
Nakilala kita noong first year college, birthday ko
Simula no'n ay hindi ka na umalis sa piling ko
Sa unang pagdilat, magkasama na agad tayo
Buong araw, hawak ko ang mga malambot na kamay mo
Mala-candy mong halik, Danica Christine
Ang unti-unting pumapatay sa akin
Ikaw ang pinakatamang pagkakamali
Na nagawa, maubos man aking hangin
Oh-oh-oh-oh
Masama ang sobra, pero paanong hindi sosobra
Kung ang mga pasabog mo'y mas bombastic pa sa Tsar Bomba
Halimuyak mo ay ang dahilan kung bakit bagong taon (Sa utak ko)
Sa utak ko, tinutulak mong palayo ang masamang panahon
Mala-menthol mong halik, Danica Christine
Ang unti-unting pumapatay sa akin
Ikaw ang pinakatamang pagkakamali
Na nagawa, maubos man aking hangin
Oh-oh-oh-oh
Nakakasilaw man ang iyong ganda
Nagbibigay ka man ng kakaibang sigla
Alam kong walang laman ang mga pangako mong masarap lang sa tenga
Matagal ko nang sinasabing tigilan mo na ako, please
Pero mawala ka lang saglit, sobra na kitang nami-miss
Sa kabila ng lahat ng pag-iwas ko sa 'yo
Hindi ko talaga kayang umalis
Nakakalason mong halik, Danica Christine
Ang unti-unting pumapatay sa akin
Nakakalason mong halik, Danica Christine
Ang unti-unting pumapatay sa akin
Ikaw ang pinakatamang pagkakamali
Na nagawa, maubos man aking hangin
Sa pagkatao ko'y hindi ka kayang burahin
Masama man ang epekto mo sa akin