Elige una pista para reproducir
Kapag ang bagyo ng buhay ay nagngangalit
At ang malalaking alon ay nakakatakot
Kapag ang madilim na dagat ay bumagsik
Doon mo makikita ang pag-ibig ng Diyos
Kapag ang hangin ay humampas nang malakas
At ang alingawngaw nito'y nakakapangilabot
Kapag ang mga pagsubok ay tila 'di kaya
Doon mo madarama ang malasakit Niya
Ang bagyo ng buhay ay paraan Niya
Upang tibayan at patatagin ka
Maari kang madapa, magdusa't masaktan
Ngunit tunay na galak ang iyong hantungan
Ang bagyo'y darating at lilipas
Ngunit ang pag-ibig Niya'y 'di magwawakas
Maari kang maging sugatang kaluluwa
Ngunit naghihintay ang buhay na napakasaya
Laging tandaan itong katotohanan
Matandang kasabihang napatunayan
Pagkatapos ng madidilim na ulap
Sumisikat ang araw, malinaw at maliwanag
Ang iyong pagdurusa ay 'di magtatagal
Sabi ng Panginoon, may hangganan 'yan
Ang iyong sakit ay pansamantala lamang
Ang tunay na kaligayahan ay iyong makakamtan
Ang bagyo ng buhay ay paraan Niya
Upang tibayan at patatagin ka
Maari kang madapa, magdusa't masaktan
Ngunit tunay na galak ang iyong hantungan
Ang bagyo'y darating at lilipas
Ngunit ang pag-ibig Niya'y 'di magwawakas
Maari kang maging sugatang kaluluwa
Ngunit naghihintay ang buhay na napakasaya
Kaya manatili sa tamang landas
Iyan ang nais ng Panginoon sa'yo
Tuparin ang pangako na iyong binitawan
At habambuhay ka Niyang aalalayan
Ang bagyo ng buhay ay paraan Niya
Upang tibayan at patatagin ka
Maari kang madapa, magdusa't masaktan
Ngunit tunay na galak ang iyong hantungan
Ang bagyo'y darating at lilipas
Ngunit ang pag-ibig Niya'y 'di magwawakas
Maari kang maging sugatang kaluluwa
Ngunit naghihintay ang buhay na napakasaya