Nagising na ang taumbayan
Bistado na kanilang kalokohan
Akala ba nila di namin malalaman?
Simula pa lang ito ng aming paglaban
Matagal nang nang narinig ang katahimikan
Ngayon kami'y kikilos, ngayon ay lalaban!
Akala niyo ba di namin malalaman
Panloloko n'yo sa taumbayan
Ang pang-aabuso sa kapangyarihan
Di kami titigil hanggang kayo'y maparusahan
Mga lintik kayo! Kayo'y parurusahan!
Wala sa inyo ang kapangyarihan!
Magnanakaw kayo!
Kapal ng mukha n'yo!
Mga lintik kayo!
Kapal ng mukha n'yo!
Bakit hindi ninyo tingnan
Ang naghihirap na kalagayan
Mga ordinaryong mamamayan
Garapalan ninyong ninanakawan
Mga ordinaryong Pilipino
Na walang sawang nagtatrabaho
Minsan dalawa pa ang trabaho
Mabuhay lang dito sa mundo
Iyong iba gigising ng maaga
Dahilsa eMRT ay pipila
Sa mga bagon siksikan pa
Pagdating sa trabaho
Pa wisan pagod na
Minsan ay kailangan pa nila
Mag-overtime para sa pamilya
At sa pagbyahe pauwi
Ay makikipagsiksikan pa
Samantalang kayo, sarap ng buhay n'yo
Sa maghapon naka-aircon pa kayo
Ang gaganda pa ng sasakyan n'yo
Sobra laki pa ng mga bahay n'yo
Papasok kayo ng alas diyes
At sa hapon ay magka-casino
Ang sarap pa ng pagkain n'yo
Milyon milyon pa ang sahod n'yo
Tapos di pa kayo nakontento
Bilyon bilyon, ninanakaw n'yo
Walang hiya!
Walang puso!
Walang puso!
Walang hiya!
Walang puso!
Akala niyo ba di namin malalaman
Panloloko n'yo sa taumbayan
Ang pang-aabuso sa kapangyarihan
Di kami titigil hanggang kayo'y maparusahan
Mga lintik kayo! Kayo'y parurusahan!
Wala sa inyo ang kapangyarihan!
Magnanakaw kayo!
Kapal ng mukha n'yo!
Mga lintik kayo!
Kapal ng mukha n'yo!
Hindi kami titigil hangga't di kayo nakukulong
Pagbayaran ninyo hanggang huling sentimo
Sa pangangalampag hindi kami hihinto
Hindi kami hihinto at mananagot kayo!
Mananagot at mananagot kayo!
Akala niyo ba di namin malalaman
Panloloko n'yo sa taumbayan
Ang pang-aabuso sa kapangyarihan
Di kami titigil hanggang kayo'y maparusahan
Mga lintik kayo! Kayo'y parurusahan!
Wala sa inyo ang kapangyarihan!
Magnanakaw kayo!
Kapal ng mukha n'yo!
Mga lintik kayo!
Kapal ng mukha n'yo!
Hindi kami hihinto at mananagot kayo!
Hindi kami hihinto at mananagot kayo!
Hindi kami hihinto at mananagot kayo!
Hindi kami hihinto at mananagot kayo!