Elige una pista para reproducir
Humingang malalim pumikit na muna
At baka sakaling namamalikmata lang hmm
Ba't nababahala 'di ba't ako'y mag-isa
'Kala ko'y payapa boses mo'y tumatawag pa
Binaon naman na ang lahat
Tinakpan naman na 'king sugat
Ngunit ba't ba andito pa rin
Hirap na 'kong intindihin
Tanging panalangin lubayan na sana
Dahil sa bawat tingin mukha mo'y nakikita
Kahit saan man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa 'king kamay
Ako ay dahan dahan nililibing nang buhay pa
Hindi na makalaya
Dinadalaw mo'ko bawat gabi
Wala mang nakikita
Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim
Hindi na na-nanaginip
Hindi na ma-makagising
Pasindi na ng ilaw
Minumulto na 'ko ng damdamin ko
Ng damdamin ko
Ng damdamin ko ooh
Hindi mo ba ako lilisanin
Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa'kin (damdamin ko)
Hindi na ba ma-mamamayapa
Hindi na ba ma-mamamayapa
Hindi na makalaya (hindi mo ba ako lilisanin )
Dinadalaw mo 'ko bawat gabi (hindi pa ba sapat pagpapahirap sa'kin)
Wala mang nakikita (hindi na ba ma-mamamayapa)
Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim (hindi na ba ma-mamamayapa)
Hindi na na-nanaginip
Hindi na ma-makagising
Pasindi na ng ilaw
Minumulto na'ko ng damdamin ko