Elige una pista para reproducir
Hindi ko alam kung pano sisimulan yung kwento
Nung isang araw nakita kita
Nakahilata sa sahig buong mukha'y nanlalamig
Dahil sa sampung lalaking nakapaikot
Nanabik akong puntahan sunggaban at makipagtulakan
Naitumba ang lahat ngunit may galos na kalakip
At pagtapos ng mga hamon aking kamay inabot
Para itayo ang damdamin na dati ay di takot
Ika'y nakatitig lang sa'kin habang ang kilay simangot
Ang galit na kasangkot ngiti ko lang pala ang gamot
Napatanong sa sarili gusto rin kaya 'ko neto
Teka hindi malabo na parang aking mata
Pero kita ko sa titig pag-ibig na walang preno
Kung eto ang nakatakda handa kong magpakatanga
Nagkausap ng walang sawa
Wasak sa kakatawa
Ako ay pinagpala na ikaw ay akong makasama
Teka muna kaibigan o ka-ibigan
Init ng pagmamahalan ay 'wag diligan
Sa laro ng apoy natin ay nakayakap
Habang nakalatag ang kama sa alapaap
Teka muna kaibigan o ka-ibigan
Init ng pagmamahalan ay wag diligan
Sa laro ng apoy natin ay nakayakap
Habang nakalatag ang kama sa alapaap
Inimbitahan mo'ko sa inyong bahay
Sa kwarto pinatambay
Nilamon iba't-ibang tinapay akala mo'y lamay
Habang nanonood ng pelikula na paborito
Pasakit at problemang pasan ay aking ng nalimot
'Di napansin ang oras alas-dos na ng umaga
Pagkalingon ko sa kaliwa nahuling ika'y nakatunganga
Nilapitan kinurot tinanong ko kung anong problema
Pinakinggan ang tunog ng bulong mo sa aking tenga
Tas' nagkadikit ang balat tumayo ang balahibo
Yap nasibak na parang siya si Aquino
Lakas ng tama ko sa'yo ngunit parang mali 'to
Gumising tayong walang saplot tila naliligo
Nagkausap ng walang sawa
Wasak sa kakatawa
Ako ay pinagpala
Na ikaw ay aking makasama
Teka muna kaibigan o ka-ibigan
Init ng pagmamahalan nadiligan
Sa laro ng apoy natin ay nakayakap
Habang nakalatag ang kama sa alapaap
Teka muna kaibigan o ka-ibigan
Init ng pagmamahalan nadiligan
Sa laro ng apoy natin ay nakayakap
Habang nakalatag ang kama sa alapaap
Lumalakas ang tibok ng puso parang walang masasabi
Pinanis mo ang karamihan sa babae
Sobrang init ng galaw dinaig ang pwet ng kawali
Ako'y magtatapat na parang magtatanghali
Tayo na ba aking tanong ayoko ang iyong sagot
Meron akong ibang mahal bigla akong nanlambot
Napasuntok sa kawalan nagsabong na sa daan
Baka pwede ng tumawid kapag wala ng paraan
Tulala at sobra sa pagpigil ng luha
Ginawang vulcaseal dahil naging panakip butas
Uto-uto ang damdamin animo'y isang tuta
Di makadiretso ng lakad parang lasing na kuba
Sa pag-uusap ay nagsawa
Wasak ang puso sa'yong tawa
Ako ay pinagpala
Dahil hindi na kita makakasama
Teka muna ang sagot ay kaibigan
Init ng pagmamahalan nadiligan
Sa laro ng tadhana ay nakayakap
Habang nakalatag ang kama sa alapaap
Ako ay na besmode besmode (besmode)
Ako ay na besmode besmode (besmode)
Ako ay na besmode besmode (besmode)
Ako ay na besmode besmode (besmode)
Yeaah (yeah)