Elige una pista para reproducir
Are you ready to get on?
Muling nagbabalik makalipas ang halos ilang taon
Kamusta na ang mga tropa? naalala niyo pa ba?
AK once again salamat sa suporta
kumate aking kamay nagsulat at hinimay
kinalampag ang mga samples syempre para mag ingay
ibabalik ko sa dating gloria, tuldok palitan ng coma
suntok sa buwan gamit ang kamay na goma goma
mahaba habang lakbayin pero ni minsan hindi napagod
sawa nang mag ipit para pagkasyahin ang sahod
sa aking pagbalik samahan niyo kong maghanap
ng mga sagot sa katanungang base sa hinaharap
I'm back! kahit hindi na salubungin ng palakpakan
mga susunod na awit ay tiyak kapupulutan mo ng araw dahil minsa'y dinaanan ko na
ito'y gabay para mabawasan ang mga pagtataka tara!
Are you ready to get on?
Muling nagbabalik makalipas ang halos ilang taon
na-miss ko to ng sobra ang dami nang nagbago
FYI nagpahinga hindi nagtago
dumami na ang dayo mula pa sa malayo
nagprami ng husto pero mukhang hindi humayo
lahat ng mga makata ay di na naiinep
kasi nagiging rapper na agad sa internet
noong ang breaks galing sa tapes
wala pang mga fake
ang demo tinitira lamang ng isang take
balik sa lumang skwela wala munang boboka
magseryoso ka rin hindi lang puro pampa bongga
ang scene ire-reverse, walang rehers rehers
mukhang hindi lang ang mukha
pati ang boses mo'y kinurse
ako'y nagbabalik this time wala na tong ayawan
ihagis ang kamay kasabay ng mga kalampagan tara!
Di na kailangang maging hari kahit maging pangulo
importante ay maipakita sa inyo ang dulo ng motibo
kung bakit nagbalik nanaman ito'y trabaho na magbibigay laman
sa aking tiyan
laman sa nakikinig lakas para sa mga gagamit
isasakay kita di na kailangan pang sumabit
ako hindi aawit, wala nang idadawit
pantay pantay ulit kaya wala nang pangit pangit
As I proceed to give you what you need
ililipad kita kahit hindi ka na mag weed
ituring mong kape pampa init pampa gising
ibibigay ang tunay na kahulugan ng sining
wala nang hulaan ako ay anti bulaan
gagapang to mula polilan bulacan to bataan
akuma po nagbabalik sa porte ko nananabik
sabay sabay tayong humakbang ng papanik tara!