Hindi ko alam kung kailan
O kung darating pa ang araw
Na muli kitang mahahawakan
Na muli mong babanggitin ang aking pangalan
Dahil sa bawat gabi tinatanong ang langit
Kung may pag asa pa bang bumalik
Pilit kong iniwasan ngunit isang katotohanan
Ikaw pa rin ang gusto kong hintayin
Sa tamang panahon baka akoy balikan
Sa tamang panahon baka akoy mahalin din naman
Kahit ngayon akoy nasa dilim
Aasa pa rin kahit wala kang sagot sa akin
Pinagmasdan kitang lumayo
Habang akoy naiwan sa parehong mundo
Hindi ka lumingon hindi ko rin inamin
Na akoy naglaho sa yong paningin
Kung sakali mang dumating ang araw
Na mapagod ang puso mong maghanap
Narito pa rin ako hindi kumupas
Kahit ilang ulit na akong sinubok ng oras
Sa tamang panahon baka akoy balikan
Sa tamang panahon baka akoy mahalin din naman
At kung sakaling huli na ang lahat
Akoy maghihintay pa rin sa yong yakap
Kung hindi ngayon