Nang una kang makita agad sa 'yo'y namangha
Daig mo pang manika hanep ang iyong ganda
Sadyang kakaiba mapungay mong mata
Ako ay nanghihina pag hindi kita kasama
Ganda mo na mala Disney
Ikaw 'yung gusto kong pinapakinggan ko na medley
Gagawa pa rin ng paraan kahit pa na medyo busy
Kung ang trip mo'y lumabas o kahit manood ng sine
Alam mo bang naka auto save mga litrato mo sa CP
Dami ng tinanggihan sa 'yo lamang na 'di makahindi
Kung alam mo lang sana na ikaw ay akin na iniibig
Baka lang na maintindihan mo ang iniibig kong sabihin
At ganda mo na wala nang tutugma
Mga bagyo sa aking buhay ikaw pa lang magpapahupa yeah
Kahit malayo'y makakapunta
Ganito ba ang pag-ibig parang magandang sumpa
Sa 'yo'y nabibighani araw-araw sa 'yo baby
Hindi ka masisisi kung baliw sa 'yo oh baby
Salamat at nahanap ka at wala na ngang kailangan pa na hanapin pa
Ikaw na nga walang iba walang iba wala nang makakahigit pa sa 'yo sinta
Lahat sila nagkakandarapa sa iyong ganda
Naisip ko no'n na sino ba ko para magkaroon sa 'yo ng tsansa at
Pero 'di ako sumuko pakinggan mo ang kanta na isinulat ko magdamag
Handa na mapuyat upang akin na ngang malaman
Nilalaman ng damdaming kay tagal ko na pinaghandaan
Kahit na pasikot-sikot man madami man ang humadlang
Haharapin ko ang lahat ng mga problema sa daan
Kung ang pag-ibig mo ay tubig ay handa kong magbabad
'Di na kailangan pa ng doobie dinala mo na ko sa alapaap
Ang pangalan mo'y naka-ukit habang buhay nakatatak
Dahil sa 'yo naniwalang muli sumugal sa pagmamahal
Ikaw na nga ang siyang bituin na sa akin ay gumabay
Ako'y lulong sa 'yo'y pag-ibig 'di hahayaang maghiwalay
Asahan mong lalambingin tuwing nagkakaroon ng away
'Di dapat patagalin tulugan o pag-ibig ay mamatay