Elige una pista para reproducir
Sa kaniya-kaniyang pangarap na nakipaghabulan
Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan
Magtampisaw sa tag-ulan nang kaligayahan mapunan
Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan
Anumang dumating na problema, dedma
Barya lang ang katapat ng tawang abot-tenga
'Di ko namalayang tumakbo 'yong panahon
Kung hindi pa 'ko lilingon sa dating pitaka't lamesa
Dati kong mundo, palaruang malawak
Sa piling ng bawat katotong kasabay kong mangarap
Tawidin ang alapaap, pati buwan makayakap
Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab, tara!
Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata
Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala
Gano'n pa din ang mundo, naging makulay lang siya para sa 'kin
Sa tulong ng kada berso kong inuumaga
Ako pa din 'tong kayang makisama, makitawa
Magpakalango sa nakaraan nating alaala
Madami mang padating na dapat pang yakapin diyan
Pagsubok sa piniling kapalaran, parte 'yan
Saludo sa mga tropa na palaging nandiyan
Na kahit saan, para sa dagok makipasan
Sa ngayong kami naman mangibabaw o pangibabawan
Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan
Nakaraang pasanin, pahirapang ilarawan
Dating ingay ng tahanan, naging boses ng lansangan
Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata
Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
Silang mga nagtiwala sa 'kin no'ng wala pa 'kong alam
Sa kayang mabago ng barang kinabisado
Sa kubeta't lababo, hanggang sa TV at radyo
Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano
Bilang regalo, itong awiting muna sa ngayon ang mananatiling nandiyan
Mapawala ka't magkaro'n, siyang paalala na din, kasama mo 'ko palagi
Anumang hinaing sa pagsubok mo, 'ko kahati
Dati nakatingala lang tayo sa mga tala
'Wag mag-alangang abutin, sige, ako bahala
Maging halimbawa at gabay mo para maniwala
Sa 'yong makakaya, bilang kapatid mo kay Bathala
Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala