Elige una pista para reproducir
Sa aking kalungkutan
Alam kaya ito ng langit
Kanya bang nararamdaman
Ang sakit sa aking kalooban
Sa aking mga pagsubok
Ako'y lubhang napaisip
Ang puso ko'y nagtatanong
Siya kaya'y may malasakit
Alam Niya ang iyong pinagdadaanan
Ramdam Niya ang iyong lungkot at sakit
Tutulungan ka, papalakasin ka
Pagagalingin ka ng Kanyang pag-ibig
Ang pag-ibig Niya'y walang kapantay
Mas mataas kaysa bundok na matayog
Mas malalim kaysa karagatan
Mas maningning kaysa araw sa kalangitan
Sa aking kahinaan
Pinili ang landas ng kalungkutan
Binalewala ang Kanyang pag-ibig
Meron pa kayang kapatawaran
Sa aking pagdurusa
Maaari bang maibsan ang sakit
Pagagalingin ba Niya ang aking diwa
At ako'y yakapin nang mahigpit
Alam Niya ang iyong pinagdadaanan
Ramdam Niya ang iyong lungkot at sakit
Tutulungan ka, papalakasin ka
Pagagalingin ka ng Kanyang pag-ibig
Ang pag-ibig Niya'y walang kapantay
Mas mataas kaysa bundok na matayog
Mas malalim kaysa karagatan
Mas maningning kaysa araw sa kalangitan
Kailangan kong matutong maghintay
Kailangan kong lumalim ang aking pananampalataya
Kailangan kong maramdaman ang Kanyang pag-ibig
Kailangan ko ang paggaling mula sa langit
Alam Niya ang aking pinagdadaanan
Ramdam Niya ang aking lungkot at sakit
Tutulungan ako, papalakasin ako
Pagagalingin ako ng Kanyang pag-ibig
Ang pag-ibig Niya'y walang kapantay
Mas mataas kaysa bundok na matayog
Mas malalim kaysa karagatan
Mas maningning kaysa araw sa kalangitan
Alam Niya ang pinagdadaanan natin
Ramdam Niya ang ating lungkot at sakit
Tutulungan Niya tayo, palalakasin tayo
Pagagalingin tayo ng Kanyang pag-ibig