Elige una pista para reproducir
Kami ang mga magtutuloy ng sigwa
Tatangan sa pamanang tinig at tula
Silang koro ng sandaang taong digma
Boses man ay patak lang sa rumaragasa
Kahit maubos pa mga letra
Masaid lahat, lahat ng bara
Mabali ng tuluyan ang balarila
Magasgas lalamunan at mga dila
Magpapatuloy kami, kaming lumikha
Di lang koro, himno, at tula
Walang mas malikhain pa kesa sa
Pagsilang ng bago mula sa digma
Sisilang ng bago mula sa digma
Sisilang ng bago mula sa digma
Sisilang ng bago mula sa digma
Sisilang ng bago mula sa digma