Elige una pista para reproducir
Sencillo / Pista
Silang luminang ng lupa
Sikmura'y di man lang mapunan
Ilang dekadang pagkamkam
Monopolyo ng iilan
Di nakatapak sa lawak ng lusak
Pilit ipinapagkait
Mga gahaman tuktok nakinabang
Bang tayo'y salat at galit
Samantala silang nagpapakasasa sa lupa
Gang nakaluklok sistema pananatalihing bulok
Kung libong yapak ang tatahak
Lindol ay tiyak
Kung yumanig ang sahig
Kahit mga tore babagsak
Nakaugat lahat sa lupa
Nakaugat lahat sa lupa
Puno't dulo yon doon ang solusyon
Nakaugat lahat sa lupa
Sa lupa ililibing ibabaon kayong mga di nakatapak sa lupa
Kayong mga di nakatapak sa lupa ililibing ibabaon
Oh aanhin ang aning di mapupunta sa atin
Angkatin dayuhang gamit sa lupa natin tinanim ang binhi
Nabatid ang sanhi ng kagutuman
Walang kasarinlan
Iba pinagsisilbihan
Nililinlang mga naglilinang ng lupa
Puro pekeng reporma pumeprenteng makamasa
Bungkalan ang aming paghihiganti
Babawiin ang lupa mula sa kamay ng mga sakim
Darating darating ang araw na di na problema
Paano kakain paano pa pagkakasyahin
Sa araw araw paano pa titiisin
Darating darating ang araw na lupa ay babawiin
Lilikhain natin para sa atin
Darating
Darating
Nakaugat lahat sa lupa
Nakaugat lahat sa lupa
Puno't dulo yon doon ang solusyon
Nakaugat lahat sa lupa
Sa lupa ililibing ibabaon kayong mga di nakatapak sa lupa
Kayong mga di nakatapak sa lupa ililibing ibabaon
Paglaya ang pagbasag ng tanikala sa lupa
Paglaya ang pagbasag ng tanikala sa lupa
Darating darating
Darating darating
Darating darating
Darating darating