Elige una pista para reproducir
Kagat ng lamok sa likod ng tenga
Kagat ng lamok sa hinliliit
Hindi ko alam ba't ako lagi ang pinag-iinitan
Naligo naman ako, naligo naman ako
Kagat na lamok sa kaliwang siko
Kagat ng lamok sa iyong labi
Hindi mo alam kung bakit ikaw lagi ang napag-iinitan
Nakaputi ka naman, nakaputi ka naman
Bakit may mga taong kulang sa pansin?
Kapag hindi mo kinibo'y nagtata-tumbling
Kung tunay kang malupit, ba't nariyan ka pa?
Nabubulok sa daigdig mong puro dada
Naiinggit ka pero 'di mo kayang makipagkaibigan
Oh, manahimik na lang, oh, manahimik na lang