Выберите трек для воспроизведения
Oh uwoh oh
Tayo'y tumatakbo at nagmamadali. Yan ang buhay natin ngayon
Di man lang malanghap ang mga munting bulaklak
Lahat may hawak, walang kumukurap
Lahat abala sa kanyang sariling alapaap
Patintero sa kalsada, piko sa tapat ng bahay
Shato, tumbang preso, at luksong-tinik ang uso
Taguan hanggang gabi, tawanan hangang sumakit ang tyan
Malayang buhay, ang saya ay walang kapantay
Oh Balik tanaw. Balik alaala
Tayo'y walang mga malay, makulit at pasaway
Isang sigaw, buong barkada'y agad matatanaw
Pawis, putik, at dungis, walang uuwi ng malinis
Masayang alaala, hanggang ngayon dala-dala
Pampawi ng uhaw at init, sa gripo lang lalapit
Sa tindahan ni Aling Badang, bibilin lahat ng kailangan
Tubig Ilog, banka at mga talangka, isang eksena sa pelikula
Buong araw nasa labas, pingot ni Inay ang iniintay
Habulan sa bakuran, hanggang maligo sa pawis
Kwentuhan ng katatakutan sa ilalim ng hagdanan
Manika at teks, mga koleksyong walastek
Lata at pising binanat, tawag ng pasasalamat
Oh Balik tanaw. Balik alaala
Tayo'y walang mga malay, makulit at pasaway
Isang sigaw, buong barkada'y agad matatanaw
Pawis, putik, at dungis, walang uuwi ng malinis
Masayang alaala, hanggang ngayon dala-dala
Kendi, lastik at holen, mga premyong napanalunan
Mga bula na gawa sa dinikdik na gumamela
Turumpo't saranggola, digmaang walang awa
Salo-salo tayo sa baso, walang takot sa munting mikrobyo
Bahay bahayan sa ilalim ng puno sa may manggahan
Luto-lutuan, dahon at putik ang palaman
Bisikleta ni kuya, angkas sa manibela (wuhoo)
Sampa sa likod ng kalabaw, sa putikan sya'y nag tatampisaw
Oh Balik tanaw. Balik alaala
Tayo'y walang mga malay, makulit at pasaway
Isang sigaw, buong barkada'y agad matatanaw
Pawis, putik, at dungis, walang uuwi ng malinis
Masayang alaala, hanggang ngayon dala-dala
Puso'y nagbabalik pa rin
Sa simpleng kaligayahan
Walang katulad na kasiyahan
Noong tayo'y mga bata pa
Ooh ooh ooh ooh ooh ooh
Ooh ooh ooh ooh ooh ooh
Ooh ooh ooh
Noong araw, buhay ay di kumplikado
Masayang alaala, hanggang ngayo'y dala-dala
Saya't pag kakaibigan, yan ang tunay na yaman
Sa puso't isipan, laging babalik-balikan
Oh Balik tanaw. Balik alaala
Tayo'y walang mga malay, makulit at pasaway
Isang sigaw, buong barkada'y agad matatanaw
Pawis, putik, at dungis, walang uuwi ng malinis
Masayang alaala, hanggang ngayon dala-dala
Hanggang ngayon dala-dala
Ooh ooh ooh ooh ooh ooh
Ooh ooh ooh ooh ooh ooh
Ooh ooh ooh ooh