Paano na, paano nalang?
Tatanggapin, nasanay na ang sariling mag-isa
Ano nalang ang bukas?
Saan pa liligaya kung wala kana?
Magkukunwari nalang
Hahawak sa pangakong
Binitawan mo
Umalis kana, di na namalayang
Di na mahanap ang pagmamahalang ating sinumpaan
Di na lilingon, sa awit ala-ala
Ang lumbay ng pag-iisa
Oh-oh-oh
Kung lilisan lang
Ano pa tong nasimulan
Sugat hihilom pa ba
May tanong sa isipan kung
Ano nalang ang bukas?
Saan pa liligaya?
Kung wala kana
Itutuloy pa ba ang
Paghawak sa pangakong
Binitiwan mo
Umalis kana, di na namalayang
Di na mahanap ang pagmamahalang ating sinumpaan
Di na lilingon, sa awit ala-ala
Ang lumbay ng pag-iisa
Magkukunwaring buo at tiyak ang landas
Kahit ang totoo'y di alam ang bukas
Pipiliting tanggapin
Na ikaw ay lumisan
Masakit ma'y
Ito ang nararapat
Umalis kana, di na namalayang
Di na mahanap ang pagmamahalang ating sinumpaan
Di na lilingon, sa awit ala-ala
Ang lumbay ng pag-iisa
Ng pag-iisa
Ohhh ohhh
Ng pag-iisa