Paano kung 'di na magmahal muli?
Paano kung kalimutan ang mga sandali?
Matagal ka na palang bumitaw
Akala ko mayroon pa ring ako at ikaw
Mayroon pa ba akong 'di nagagawa?
Lakas loob sinubukan ang lahat lahat
Kasama ka akala ko hanggang sa pagtanda
Pero ngayon sa dilim nag-iisa
Tumingin sa langit
Nadarama'y kay pait
Sana'y palayain ang pusong ito
Hindi na ninanais pang
Bumalik sa dating Tayo
Kung saan ka sasaya
Palalayain ka
Hindi man ganun kadali
Alam kong ako'y maghihilom din
Kahit na mag-isa
Kahit puno ng pangamba
Ang pag-ibig ay 'di isang laro
Na kung kailan lang gugustuhin
Ay doon lang pipiliin
Tumingin sa langit
Nadarama'y kay pait
Sana'y palayain ang pusong ito
Hindi na ninanais pang
Bumalik sa dating Tayo
Kung saan ka sasaya
Palalayain ka
Patatawarin ang sarili
Hindi rin kasi pwedeng maulit muli
Siguro nga kasi
May tamang panahon
At tamang pagkakataon
Tumingin sa langit
Nadarama'y kay pait
Sana'y palayain ang pusong ito
Hindi na ninanais pang
Bumalik sa dating Tayo
Kung saan ka sasaya
Kung ka mas masaya
Palalayain ka
Malaya kana
Malaya kana
Malaya kana