Выберите трек для воспроизведения
Panay tingin puro tanong
S'ya ba'y babae? laging bulong
'Di kailangan ang basbas nila
Respeto man lang sapat na diba?
Sanay sa lait nanliliit
Ang taglay kong gandang malupit!
Kahit na kikay at minsan mataray
Sa true lang naman kaibigang tunay
Pinalaki ng SexBomb hindi para bumawi
Laban lang ng laban hindi papa-api
Ang 'pinaglalaban aming pagka-babae
Babae sa umaga hindi lang sa gabi
Ay Barbie!
Panay pintas puro tukso
'Di matanggap kung ano ako
Pati pag-banyo may panghuhusga
'Di na alam kung saan pupunta
Mukha mang Barbie ang beauty ko
May puso rin at nasasaktan
Ako ay tao at 'di laruan mong
'Pag kailangan lang tsaka lalapitan
Pinalaki ng SexBomb hindi para bumawi
Laban lang ng laban hindi papa-api
Ang 'pinaglalaban aming pagka-babae
Babae sa umaga hindi lang sa gabi
Ay Barbie!
Here in front of you isang Trans Pinay stunner
Ako si Barbie-Q ang ganda ko'y pang-winner
Walang inuurungan 'cause I'm born to slay
Trans Pinay Pride ang sigaw all the way!
Bitbit ang kulay rosas asul at puti
Sa bawat kong pagsubok ay magwawagi
Laging tandaan 'wag kang matakot sis
Ang ganda mo'y sandata so live loud and fierce!
Pinalaki ng SexBomb para lumaban lagi
Laban lang ng laban my Trans Pinay queens!
Sana'y maunawaan kami rin ay babae
at hindi laruan may puso't damdamin din
Pinipilit kaming baguhin ng mundo
Ba't kasalanan bang mabuhay ng gan'to
Sana'y matanggap ang aming pagkatao
Ako ay isang Barbie babae ako!
Ay Barbie!
Ay Barbie
Ay Barbie
Ay Barbie