Unti unti akong natatauhan
Nag iisa lang pala sa laban
Tuwing lalapit ay papayag
Magkikita kada aya
Samantalang sa iyo'y wala lang
Baliw na baliw ako
'Di makaalis sa sumpa na taglay mo
'Di matiis
'Di rin makahindi
Bawat araw iniisip kung
"ano ba tayo?"
Baliw na baliw sayo
Alam nating parehas na hindi tama 'to
Alam kong mali
Ano mang pilit
Pero "mahal"
Pwede ba ang itawag sayo?
Ilang beses kong pinag-isipan
Ba't pumayag na maging sandalan?
'Di mapagtanto sa isip
Na pagmamahal ang akin
Ba't mahal lang pag ako'y kailangan?
Baliw na baliw ako
'Di makaalis sa sumpa na taglay mo
'Di matiis
'Di rin makahindi
Bawat araw iniisip kung "ano ba tayo?"
Baliw na baliw sayo
Alam nating parehas na hindi tama 'to
Alam kong mali
Ano mang pilit
Pero "mahal" pwede ba ang itawag sayo?
Paano kung ilaban ito?
(Di pwede, walang patutunguhan)
Oh hindi pala, ano ang gagawin ko?
(Isip ang gamitin para matauhan)
Pipilitin na
Mag-iisip na nga
Sigaw ng puso ngayon ay labanan
At kahit na
Sayo ay masaya
Sarili'y pahahalagahan
Baliw na baliw ako
'Di makaalis sa sumpa na taglay mo
'Di matiis
'Di rin makahindi
Bawat araw iniisip kung "ano ba tayo?"
Baliw na baliw sayo
Alam nating parehas na hindi tama 'to
Alam kong mali
Ano mang pilit
Pero "mahal"
Pero "mahal"
Pero "mahal"
Pwede ba ang itawag sayo?