Выберите трек для воспроизведения

Nakawin na natin ang sandaling ito
Kunin na natin habang natutulog pa ang mundo
Angkinin na natin wag nang magkunwari
Baka hindi na maulit ang hiwaga ngayong gabi
Kunin na natin ang sandaling ito
Nakawin na natin habang natutulog pa ang mundo
Angkinin na natin wag mag atubili
At umasang maulit ang hiwaga ngayong gabi
Takipsilim ikaw at ako
Takipsilim wala nang ibang tao
Lumapit ka sa akin at tumabi
Hawakan ang akin kamay at dinggin
Ang huni ng ibon tingnan liwanag ng buwan
Damhin ang laming ng hangin damhin natin ang laming ng ulan
Tayoy sumilong sumandal ka sakin
Oras ay dumadaan ako ay nakalaang
Ibigin ka
Naririning ang tinig ng pag-ibig takip silim
Ikaw ang tanging hiling
Nakawin na natin ang sandaling ito (ito)
Kunin na natin habang natutulog pa ang mundo
Angkinin na natin wag nang magkunwari
Baka hindi na maulit ang hiwaga ngayong gabi (kumikinang)
Wag sana wag sanang tumigil ang sandali
Gustong ikaw lang katabi oh
Para sa atin lang para sa atin lang (para sa ating lang)
Ang sandaling ito para sa atin lang
Mundoy bumabagal ng bumabagal
Nakawin na natin kunin na natin
Angkinin na natin wag mag atubili
At umasang maulit ang hiwaga ngayong gabi
Kunin na natin ang sandaling ito (ito)
Nakawin na natin habang natutulog pa ang mundo
Angkinin na natin wag mag atubili
At umasang maulit ang hiwaga ngayong gabi (kunin na natin)
At sana'y at sana'y maulit pang muli ang sandali
Ating nakawin