
Haa
'Di ba, may pagtingin ka pa rin
Kahit na tayo'y magkalayo?
'Wag naman sanang itago ito
'yan lang ang yaman ko at pag-asa
Wala nang ibang nais kundi
Ang mahalin ka lamang
Nang lubos habang may buhay
Kaya, kung maaari sana
'Wag mo nang pigilin ang pag-ibig
Ang lahat ay kaya kong tanggapin
'Wag lang ang malayo ka sa akin
Alam kong nagdaramdam
Ka nang labis sa akin
At sadyang ako ang dapat sisihin
Ngunit kung maaari sana
Ako'y iyong patawarin
Higit kailanman
Ngayon ko lang natuklasan
Ikaw lang, at ang iyong pag-ibig
Ang tangi kong kailangan sa 'king buhay
Ang lahat, wala na ring halaga
Kung ika'y lalayo sa 'king buhay
Kung kaya, mahal ko
Kung maaari sana
Ako ay muling bigyan ng pag-asa
Ngunit kung maaari sana
Ako'y iyong patawarin
Higit kailanman
Ngayon ko lang natuklasan
Ikaw lang, at ang iyong pag-ibig
Ang tangi kong kailangan sa 'king buhay
Ang lahat, wala na ring halaga
Kung ika'y lalayo sa 'king buhay
Kung kaya, mahal ko
Kung maaari sana
Ako ay muling bigyan ng pag-asa
La la
La la
Haa