Nasa labas ako ng bahay niyo
Hinihintay ko ang paggising mo
Alam ko na para na 'kong gago
Baka pagdiskitahan pa 'kong magnanakaw rito
Eh alam ko pa naman
'Di ba ang daddy mo ay mayro'ng malaking shot gun
Sana'y 'di niya ako pagkam'lang
Na isa akong akyat-bahay gang
Gusto ko lang mag-sorry
Ayaw kong sumama ang loob mo so sorry
Sana bumalik ang pagtingin mo oh sorry
I'm so sorry hmm
Kanina pa tingin nang tingin sa 'kin 'yung kapit-bahay niyo
Akala niya yata ay may sira ang ulo ko
Kanina lang ay lumapit sa akin ang guwardiya niyo rito
At ang sabi niya sa 'kin hoy bawal manggulo dito ah
Pero hindi nila alam kung gaano kabigat ang aking pasan
Pagtulog ko ay nahihirapan
Hinahanap ka lagi walang katabi
Bangungot ang nangyari nang sobrang tindi
Gusto ko lang mag-sorry
Ayaw kong sumama ang loob mo oh sorry
Sana bumalik ang pagtingin mo oh sorry
I'm so sorry hmm
Sorry I'm so sorry hmm
Hmm hmm