Выберите трек для воспроизведения
Daming papeles na kailangan sa pangalan, katibayan o sa pagkakakitaan
Kaya dapat mong agahan at magtyaga sa mahaba-habang hintayan
Kalimitang eksena, gitgitang helera
Bwisit na sa inip at maiksi na pasensya
Ngunit sa haba ng pila, masasagip ka ng pera
Pinakamadaling daan ay sa ilalim ng mesa
Mabilisan o rektang may kaakibat na bayad
Dagdag kita agad sa nangangasiwang mapalad
Malagong kolektahan sa patagong konektahan
Tumatakbo ang sistemang kayang gawin ng palakad
Samantalang sa ugali, pansin ko marami
Ang galit sa mandarambong, ganid, sakim o salbahe
Pero pag sa'tin ang pabor, handa ring manabutahe
Sabay hipokritong sabi, yan ang Pinoy madiskarte
Teka, teka muna aber!
Aba, mahusay nga tayo
Kulay pa lang ng papel, alam agad kung magkano
Ganon din ang salapi at ang patunay na kaso
Kaya na ring alamin tunay na kulay ng tao kaya
'Di na kataka-taka mga nagwatak-watak papunta sa kanya-kanya
Pagkat katawa-tawang kahit sa barya-barya
Pag hindi na patas ay dun pa nagtatabla-tabla
Sa nasirang kasunduan, tiwalang nabuo, mabilis ang pag rupok hanggang mabali nang tuluyan
Hatian o utang, kapag naging gulo,
ultimo magkadugo, sila pa nagkakaduguan
Kung kaya't kilala ang lahi natin bilang palaban
Ngunit ang tapang na gamit, minsan ay labis naman
Kapayapaang hangarin, naging kabaliktaran
Banta na rin kapag sinabing pasensyahan na lang
Kaya paumanhin na lamang kung ang naisip kong gawin ay ungkatin at ilarawan
Ilan sa mga mali na nating gawi o kinasanayang
Alam mo rin naman kaso nga lang karaniwan na lang ding maisawalang kibo't hayaaan
Sa simpleng alituntunin, nasusuri na ang modo
Usaping disiplina parang 'di tinuturuan
Malaking kinikita pagdating sa panloloko
Kaya pagkapit sa patalim, 'dali na ring subukan
Hanggang sa di na kayang sindakin ng kaloboso
Dahil sa hirap, napipilitang pati mali, patulan
Nagsilipana sa kalsada ang mga dorobo
Tila mulat na sa kaguluhan, ingay at kumpulan
'Wag ka na magtaka kung ba't marami ang tsismoso
Hilig maki-isyoso sa kabila ng natutunang
Mangialam ka lamang sa sarili mong negosyo
Kaso marami sa'tin ang wala ngang pampuhunan
Habang may pakpak ang balita tulad din ng loro
Pwede nang idikta ang sasabihin sa lipunan
Dami pang hinaing ang maisasabay sa tono
Kaso papel ko mismo ang tingin kong magkukulang
Tingin kong magkukulang kaya hindi pa tapos
'Di nagtapos
Tulad ng nakagisnan na paghihikaos
Usapan ay marami kung pagiging kapos