Выберите трек для воспроизведения
Minsan, parang namamalikmata
Nasa pagitan ng mga alapaap
At lumulutang, nananaginip lamang
Patuloy lilipad patungong kalawakan
Maniniwala sa mga tala
Kung 'tinadhana, hawak ang kapalaran
Sa ulap masisilayan, liwanag matatanaw
Tignan ang sinag ng araw, kislap ng tunay na ikaw
Bahagi ka ng bahaghari, may kulay na dala
Sabay nating sisilipin, silipin ang mundo
Oh, oh, oh-oh, oh, oh, oh-oh
Oh, oh, oh-oh, oh, silipin ang mundo
Sa pagkakataong ito, ang imahinasyon
Walang limitasyon, basta panghawakan lang
Destino na binuo, posible mo mabuo
'Pagkat walang nilalang na nila-"lang"
'Yan ang dapat na alalahanin sa paglalakbay
Akay-akay ang lakas mula sa naggagabay
Sama-sama tayo dito, iisang daang patungo
Magkakasama tayong sisilipin ang mundo
Maniniwala sa mga tala
Kung 'tinadhana, hawak ang kapalaran
Sa ulap masisilayan, liwanag matatanaw
Tignan ang sinag ng araw, kislap ng tunay na ikaw
Bahagi ka ng bahaghari, may kulay na dala
Sabay nating sisilipin, silipin ang mundo
Oh, oh, oh-oh, oh, oh, oh-oh
Oh, oh, oh-oh, oh, silipin ang mundo
Pakinggan mo tinig na tumatawag, oh
Himig na dinadala ng pangarap
Sa gitna ng dilim, ikaw ang buwan
Patuloy lang na magliliwanag
Hawak ang kapalaran
Sa ulap masisilayan, liwanag matatanaw
Tignan ang sinag ng araw, kislap ng tunay na ikaw
Bahagi ka ng bahaghari (bahagi ka ng bahaghari), may kulay na dala
Sabay nating sisilipin, silipin ang mundo
Oh, oh, oh-oh, oh, oh, oh-oh (oh)
Oh, oh, oh-oh, oh, silipin ang mundo
Oh, oh, oh-oh, oh, oh, oh-oh (oh, oh-whoa)
Oh, oh, oh-oh, oh, silipin ang mundo