Выберите трек для воспроизведения
Pagmulat ng mata agad kong naalala
Kagabi sinabi mo ayaw mo na
May hindi ka bang nakita?
May mali bang nagawa?
Nagtataka bakit biglang ayaw mo na
Lahat ng gusto mo tamang sunod ako
Nagtataka bakit biglang ayaw mo na
Binigla mo ng lubusan nang ako'y iyong iwanan
Isang iglap naisip mo ayaw mo na
Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan, nais kong
(Sumigaw) sumigaw (palabas) palabas
At sasabihin sa iyo ang lahat
(Tumakbo) tumakbo (palayo) palayo
At iiwanan na ang alaala mo
Nanginginig, nalulungkot, nahihibang at tulala
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nag-iisa, umiiyak, nahihirapang huminga
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nanginginig, nalulungkot
Lumingon sandali lang
Bago mo tuluyang iwan, nais kong
(Sumigaw) sumigaw (palabas) palabas
At sasabihin sa iyo ang lahat
(Tumakbo) tumakbo (palayo) palayo
At iiwanan na ang alaala mo
At kung hindi na babalik
Sana sa paggising ay wala na ang nadaramang sakit
At kung hindi (at kung hindi) na babalik (na babalik)
Ipilit sa sarili na hindi ako nagkamali
(Sumigaw) sumigaw (palabas) palabas
At sasabihin sa iyo ang lahat
(Tumakbo) tumakbo (palayo) palayo
At iiwanan na ang alaala mo
(Sumigaw) sumigaw (palabas) palabas
At iiwanan na ang alaala mo
(Tumakbo) tumakbo (palayo) palayo
At iiwanan na ang alaala mo