Выберите трек для воспроизведения

Madilim ang paligid
Wala man lang sumisilip
Sino ang totoo
Ilawan mo naman aking mundo
Sumasaglit lang sa langit
'Wag ka munang magalit
Hilain mo na ako
Hawakan mong mahigpit saklolo
Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako'y uhaw na uhaw
Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis
Nasa'n na ang patalim
Matalas ba tignan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Ano'ng mayro'n sa baba
Nakatingin nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako
Madilim ang paligid
Sa dagat na sinisisid
Iahon mo na ako
O kailangan ko lang pa lang tumayo
Hindi na makahinga
Nilulunod ang sarili mag-isa
Ano ba'ng mayro'n diyan sa ilalim
Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako'y uhaw na uhaw
Nasa'n na ba ang sabaw na panlinis
Nasa'n na ang patalim
Matalas ba tingnan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Ano'ng mayro'n sa baba
Nakatingin nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako
Gusto ko ring mawala sa mundo
Kahit saglit lang mawala itong nararamdaman
Pero nandito pa ako ngayon kumakanta
Sinasabing naiintindihan kita
Nasa'n na ang salamin
Okay ka ba tingnan natin
Benteng ukit sana'y 'di na ito maulit
Ano'ng mayro'n sa baba
May hagdanan bumaba ka kaya
Gusto mo bang maglakad pag-usapan ito