Выберите трек для воспроизведения
Mmmmm
Matagal na tayong magkakilala
Matagal na ang pinagsamahan
Di maipagkakaila ang pagkakaibigan
Tila tinakda tayo ng tadhana
Bawa't sandali, bawa't oras
Ikaw ang nagbibigay sigla
Sa aking mundo, sa aking isipan
Wala kang katulad, wala kang kapantay
Ikaw ang pinakamahusay na kaibigan
Nagpapasaya, nagpapatatag
Sa kalokohan man o seryosohan
Hindi ka umuurong, laging sumusulong
Salamat kaibigan. Maraming salamat sa'yo
Ang tawanan nating wagas, walang katulad
Di mapigilang saya kapag ikaw ay kasama
Sa pag kamusta mo sa aking araw
Dala'y tunay na tuwa sa aking mukha
Mga simpleng hirit, laging pinipilit
Ayaw paawat kahit ako'y malapit na magalit
Ngunit malalim ang iyong damdamin
Para sa akin ay lagi mong pinaparamdam
Bawa't sandali, bawa't oras
Ikaw ang nagbibigay sigla
Sa aking mundo, sa aking isipan
Wala kang katulad, wala kang kapantay
Ikaw ang pinakamahusay na kaibigan
Nagpapasaya, nagpapatatag
Sa kalokohan man o seryosohan
Hindi ka umuurong, laging sumusulong
Salamat kaibigan. Maraming salamat sa'yo
Kapag may pag-aalinlangan
Ikaw ang una kong naaalala
Ano kaya ang gagawin mo sa sitwasyong ito
Yan ang aking tanging batayan
Payo mong tapat, minsan ay mabigat
Ngunit lagi itong may pag-ibig na sapat
Mga salitang malalim, salitang may kurot
Lahat ay may layunin, lahat ay mahalaga
Bawa't sandali, bawa't oras
Ikaw ang nagbibigay sigla
Sa aking mundo, sa aking isipan
Wala kang katulad, wala kang kapantay
Ikaw ang pinakamahusay na kaibigan
Nagpapasaya, nagpapatatag
Sa kalokohan man o seryosohan
Hindi ka umuurong, laging sumusulong
Salamat kaibigan. Maraming salamat sa'yo
Sa ating mga pakikipag-sapalaran
O sa mga simpleng pag-uusap lamang
Kapag kasama ka, kakaiba ang ugnayan
Walang tatalo sa ating sabwatan
Sa mga oras ng kalungkutan
Ikaw ang aking sandalan
Sa mga tagumpay at kasiyahan
Ikaw ang tanging gusto balitaan
Bawa't sandali, bawa't oras
Ikaw ang nagbibigay sigla
Sa aking mundo, sa aking isipan
Wala kang katulad, wala kang kapantay
Ikaw ang pinakamahusay na kaibigan
Nagpapasaya, nagpapatatag
Sa kalokohan man o seryosohan
Hindi ka umuurong, laging sumusulong
Salamat kaibigan. Maraming salamat sa'yo
Salamat. Salamat
Aking kaibigan, maraming salamat
Ikaw ang pinakamahusay sa lahat
Ako ay lubos na mapalad sa lahat
Salamat. Salamat (Salamat)
Maraming salamat (Maraming salamat)
Maraming salamat (Maraming salamat)
Maraming salamat (Maraming salamat)