Oh damn is that GFAB
Kung panaginip ka ayaw ko nung magising
Sa alaalang di malimot na kakapranig
Gagabi na napagod na din ang mga mata
Hinahapo hanggang makatulog baka sakali na makalimutan kita
Ngunit paggising ko ikaw at ikaw ang naaalala
Bote alak at tableta
Gustong sumigaw nang hindi ko na kaya
Sadyang tadhana ay mapaglaro
Nasanay na'kong ang pag-ibig sa'kin ay laging nagbibiro
Ang mga ala-ala natin
Kung pwede ko lamang lahat ulitin
Wala nang iba at ikaw pa rin
Kahit na masakit ang ibigin ka
Kahit na paulit-ulit lang
Hindi magawang ikaw ay iwanan
Kahit ako'y tinalikuran na
Para kang drogang hindi maiwasan
At tanging ang labi mo lamang ang lunas
Sa puso kong nasugatan
Wala nang iba
Parang timang nalapit pa
Ang ikaila ay pahirapan
'Di matanggap sa madaling sabi
Mabubuang 'pag nakita ka
Nag iimagine katabi ka
'Pag nakapikit ang aking mata
Ayaw ko na lang sana dumilat
Kung wala ka kailan mo ba ako babalikan
Kasi naman sa totoo lang
Sa sarili'y sawa nang makipaglokohan
Umaasta na kayang kaya nang wala ka
'Pag wala nang kasama at wala ka ayoko n'yan
Para na masisiraan ng bait
Yung kama ko nawawalan na nang silbi
'Di gagamitin 'pag hindi ka katabi
Kahit na lamigin ay hihiga ako sa sahig
Paano ba naman kahit san tumingin
Nakikita ka pa rin kabanas
Kaya kahit na magkasakit
Tila ganun na din naman
Kasi walang sulok
Na di nagawan ng ala-ala
Mga lugar na ginawa ang kama
Kaya kahit na di na tama
Ay ikaw pa rin ang hinahala
Kahit na paulit-ulit lang
Hindi magawang ikaw ay iwanan
Kahit ako'y tinalikuran na
Para kang drogang hindi maiwasan
At tanging ang labi mo lamang ang lunas
Sa puso kong nasugatan
Wala nang iba
Wala nang iba