Выберите трек для воспроизведения

Yeah, ano ba ang problema sa iyo?
Maaari mo bang sabihin 'to
Hindi naman ako manghuhula
Para malaman ko na lang nang bigla
Simulan mo sa una, mayro'n na bang iba?
Sabihin mo muna kung may gana ka pa ba
Para naman hindi nag-aalangan ang isip ko
Habang ako'y kinakabahan, yeah
Nais kong pasukin ang iyong isipan
Nang malaman ang rason
Kung pa'no mo natitiis na 'di ako lapitan
Malamig na ba?
Kung ang tingin mo ay wala sa akin
Oh, marikit, maramdamin ako
At kung nangungulila, baka naman na suyuin
Sulitin mo na 'to
Dahil kung hindi ko man kayanin ang lahat
Mawawalan na ng saysay ang puso
Kaya kung ang pag-ibig mo sa akin ay malamig
Hindi ko na alam kung sa'n patungo
Nais kong pasukin ang iyong isipan
Nang malaman ang rason
Kung pa'no mo natitiis na 'di ako lapitan
Malamig na ba?
Yeah, sa mga araw na lumilipas
Nasasanay ako nang wala ka
Walang paramdam, kahit anino man lang
'Wag sanang umabot sa puntong
Hindi na ako magmamakaawa
Sa kahit na ano mang oras sa 'yo, oh
Ayokong masayang lahat
Kaya sabihin mo ang totoo, oh
Kung ang tingin mo ay wala sa akin
Oh, marikit, maramdamin ako
At kung nangungulila, baka naman na suyuin
Sulitin mo na 'to
Dahil kung hindi ko man kayanin ang lahat
Mawawalan na ng saysay ang puso
Kaya kung ang pag-ibig mo sa akin ay malamig
Hindi ko na alam kung sa'n patungo, yeah