Выберите трек для воспроизведения

Lumapit ka, mahal
'Wag isiping ikaw ay iiwanan
Kahit ano pa ang gawin ng mundo sa 'yo
Andito lang ako
Lumubog man ang barko, andito lang ako
Kung magunaw ang mundo ay tatabi sa 'yo
Hahawakan ang 'yong mga kamay
Hayaan mong ako ang 'yong maging gabay
Sa pag-ikot ng gulong
Naghahanap ka ba ng taong sasabay
Sa biyahe ng buhay?
Kung gano'n ay 'wag nang mangamba
Hindi ka na mag-iisa, aking mahal
Ako na ang bahala, matulog, sumandal
Kumapit ka, mahal
Maglalakbay sa malubak na daanan
Masira man ang makina at tayo'y mahinto
Andito lang ako
Huwag mataranta't matakot, andito lang ako
Susubukang ayusin 'to para lang sa 'yo (para lang sa 'yo)
At kung sakaling hindi makasakay
Maglalakad tayong dal'wang magkasabay
Sa bawat tapak ng paa
Mabagal man, basta't alam mong
Sumasabay ka sa biyahe ng buhay
Mapagod man, ika'y magpahinga
Sa pagpasan, ako'y handa, aking mahal
Ako na ang bahala, matulog, sumandal
Matulog, sumandal
Matulog, sumandal
Ako na ang bahala
Sa pag-ikot ng mundo
Sasamahan ka patungo sa walang-hanggan