Выберите трек для воспроизведения
Lilipad, lilitaw
Sumasabay ang 'yong damdamin sa galaw ng araw
Suntok sa buwan ang nakaw na tingin
Naghihintay kung ibabalik mo sa akin
Ilang taon na ba kita sinusundan?
Naipon na ang isang daang liham at isang libong kanta
Naririnig mo ba ang puso ko?
Nakikita mo ba sa 'king mata na may gusto ako sa 'yo?
Ikaw ang talang gustong abutin, 'di dahil ang tangkad mo rin
Kundi dahil nakita ang buti ng puso mo
Ang tipid mo sa tawa, ang gastos sa kunot-noo
Ngunit ang tamis makita ng ngiting pilit mong tinatago
Hinihintay bawat umaga, dala ang dobleng almusal
Minsan, naiimik, minsan, deretso bisikleta
Madalas, 'di mo 'ko pinapansin, galit ka ba 'pag tutoring?
Ngunit sa aking pag-iyak, ikaw lang din ang tatabi
Lulubog, lilitaw
Sa paglipas ng bawat araw, nandiyan ka pa rin
Hinihintay mo bang dumilim?
Ngunit tila dala mo ang araw at ang mga bituin
Ilang palapag ang layo ng ating bahay
Pati na rin ang ating pag-iisip
'Di ko maintindihan kung nag-iisip ka ba
No'ng sinabi mong may gusto ka sa akin
Ilang taon ko na 'yang napapansin
Ikaw ang liwanag na umaabot sa 'kin tuwing nagdidilim
Pumasok ka sa buhay ko nang walang paumanhin
Hangga't hinahanap-hanap ko ang iyong mga ngiti
'Di makatanggi sa lahat ng iyong hiling
'Di mo alam, tagos sa puso ko ang iyong bawat hikbi
Gusto kitang tulungang pag-trip-an at minsan yakapin
Inukit mo na ang iyong pangalan sa 'king pangarap
At sa bawat hakbang, ang iyong kamay na ang kahawak
Kung nakikita mo'ng nakikita ko
'Di ka magtatanong kung bakit 'di sumuko
Kung nakikita mo ang nakikita ko
'Di magtatanong kung ba't ikaw ang pinili ko
Oh-whoa-oh, oh-whoa-oh
Oh-whoa-oh, oh-whoa-oh