Выберите трек для воспроизведения
Libre ang manalangin
Pero may limos ka bang maibibigay?
Sa sunod na linggo
May ilaw pang daratnan?
May pagkain pa sa pinggan?
Sa pagbukas ng wallet lagpas isang daan?
Ano ang pakiramdam ng minsang manalo?
Ano ang ginhawa ng may sapat na yaman?
Ano ang tanawin mula sa himpapawid?
Gaano kataas ang lipad ng taong alam
Na siya ay may lalapagan?
May singil ang pangarap
Handa na ba akong ialay
Aking huling alas ng buhay?
Ang hirap mangarap
Panalangin at panata ko
Maging mabuting anak ninyo
Kung masisigurado mong
Maayos ang bukas