Atin pa bang susubukan na pilitin pa
'Di ka pa ba nagsasawa na masaktan pa
Ayaw ko na nais ko nang kalimutan na lang ang ating nakaraan
Hayaan na lang hayaan na lang
Lumilipas ang gabi na di na kita katabi (di na kita katabi)
Hindi mapakali iniisip kung saan ako nagkamali
'Di ko na rin masabi kung ano na ba talaga ang meron sa atin
Araw-araw nagtatalo hangang pareho tayong nawalan na nang respeto
Nagsisihan nagtuturuan mga simpleng bagay ayaw mo na din tantanan
Binabalikan ang nakaraan di na makausad laging ganun na lang
Kailan ba tayong dalawa ay naging masaya
'Di ko na makita ang ngiti mo nung tayo ay nagsisimula kaya
Pa'no tayo masasagip alam kong pareho na tayong pagod (masasagip)
Sa relasyon natin pareho nang nalulunod
Atin pa bang susubukan na pilitin pa
'Di ka ba nagsasawa na masaktan pa
Ayaw ko na nais ko nang kalimutan na lang ang ating nakaraan
Hayaan na lang hayaan na lang
Hinding-hindi na ipipilit ang sarili ko
Kung makikita ko sa'yong mata na ayaw mo
Pagod narin akong ibigay ang lahat sa'yo
Alam ko na kasi na mas mahalaga ako
Kung susumain ang lahat ng oras na binigay sa'yo
Aaminin ko lahat ng pagod ay sadyang sinayang mo
Pero ayos lang
'Di na para manghinayang
Basta't 'wag na 'wag ka lang
Magsasabing na ako na lang
Ulit
'Di na malilinlang muli
Mas mabuting ika'y umalis
Atin pa bang susubukan na pilitin pa
'Di ka pa ba nagsasawa na masaktan pa
Ayaw ko na nais ko nang kalimutan na lang ang ating nakaraan
Hayaan na lang hayaan na lang