Выберите трек для воспроизведения
Yo, check this out
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Halika ka at silipin natin ang mundong ito
Marami tayong makikita na magugustuhan mo
Kaya't, maghanda ka na! Ilabas na ang maleta
Wag na wag mong kalimutan ang gitara
Sige na tara na kompleto na ang tropa
Yes we go yo oh yeah to the beach na!
Sindihan mo na bonfire natin
Kaskasin at tugtugin na ang himig natin
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Ilabas mo na ang tagay, ilabas mo na ang pulutan
Ilabas mo na ang baso at nang tayo'y mag inuman
Problema'y kalimutan, sa bahay mo ay iwan
Para choks lang at relax ating tawanan
Kantahan at tugtugan, tawanan at sayawan
Bili ka ng pulutan sa malapit na tindahan
Sige na at sige pa birit lang gitara pa
Tayo na at tara na kantahan na
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Humahalik sa akin ang hanging malamig
Niyayakap ng liwanag ng buwan parang kinikilig
Sa saliw ng musika't tawanan ng barkada
Animo'y dinuduyan sa alon ng pag asa
Bawat simoy ng hangin, butil ng buhangin
Nagsisilbing rason na bawat araw ay gumising
Pagkabukas kumustahin na si haring araw
Nakangiti at masaya't sa akin nakasilaw
Kaya't halika halika halika't sumabay
Wag mong isipin na wala nang pag-asa ang agos ng buhay
Ito'y makulay kung di mo pa nakikita
Tara silipin natin sa mata ng mga bata
At sila'y pakinggan sa ninanais na paghimig
Hindi ko na mapiligan tanong ko'y pwede bang umibig?
Nanaginip ako isang araw ng kasihayan
Pwede ba nating ulit ulitin to aking kaibigan
Halika't lisanin muna natin ang gubat na bato
Iwanan muna ang gulo't hubarin ang uniporme nyo
At kung iniisip nyong pagod na kayo sa buhay na ito
May alam kaming lugar na gagamot sayo
Doo'y sariwa ang isda at malago ang gulay
Gusto nyo bang gumala sa mga isla at tumambay
Doo'y diretso at malinaw ang pagiisip mo
At sa pagbabalik ang katuparan ng panaginip at plano
Magulo na ang mundo makikisabay kapa
Litong lito na ang kokote at laging nangangapa at nadapa
Bumangon ka't halika dito kapatid
Kamalian ng kahapo'y unti-unti nating itutuwid
Now harapin ang lakas ng alon na parang pagsubok ng buhay
Iwanan ang lungkot lumbay na sa iyong pagkakasakay
Now refresh!
Hindi na bangungot sa iyong pagkakaidlip
Hindi nag iisip ang taong di nagpapalit ng isip
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Tayo na't tumayo sige sabay ka lang
Mag relax ka lang sabay sa himig kong ito
Sabay sa alon hangin na malamig
O kay sarap sa hininga pwede bang umibig?
Medyo kompleto na ang tropa mga linya'y pinagsama
Sa pagbabalik ni kamaggong naka buo ng obra
Kahit galing sa magkaibang banda kami nag sama
Para maibahagi itong aming awit ng pag-asa
Kahit na sabay-sabay dumating mga problema
Wag mo sanang kalimutan mag isip at ika'y tumawa
Mas marami pang taong mas mabigat ang dinadala
Wag kang mag alala kapatid di ka nag iisa
Kaya sige na bangon na itayo mga paa
Sumama sa paglalakbay dilat mo iyong mata
At kahit na ika'y nag tagal nang nagkubli sa dilim
Meron man o wala kang Diyos alam kong ika'y may panalangin
Marumi man ang paa pero malinis ang damdamin
Sa lahat ng panahon makakaharap ka salamin
Sana naman kaibigan wag mong lilimutin
Wag mong hahayaang pagkatao mo'y kanilang lasonin
Kasama mo akong karamay sa mapangapi na buhay
Wag ka na sanang aayaw kapag nawalan kana ng ilaw
Wag ka sanang mahihiya kapag ika'y iiyak
Hindi lahat nang buhay parati kang tumatawa
Wag ka sanang magpaapak sa paa ng problema
Kaya't tumayo kana itaas na ang bandila ng pag-asa
Taas noo harapin ang problema sa gabi man o umaga
Halina mga kaibigan tayo ay magsama-sama

End