
Сингл / Трек
Paano
Paano magsisimula
Kung laging ikaw ang sigaw
Ng puso ikaw
Hanggang dito ikaw
Ikaw ikaw
Ba't pa lumayo
Ako ngayo'y nag-iisa
Sa dilim at walang pagasa
Dito baka
Marinig mo'ng sigaw
Aking sigaw
Ikaw ang sagot sa mga
Hapdi at kirot na dala
Ikaw ang kumot sa tuwing ako'y nanlalamig
Ikaw ang lunas na kailangan ko pag gising
Ikaw at ako ay isang
Kabanatang hindi natapos at biglang
Pinunit ng panahon ika'y tinangay roon
At ako ngayo'y naiwanan
Gaano
Gaano kaya kagaan
Ang buhay sa ibang pahina
Dito ikaw aking bisyo ikaw
Ikaw ikaw
Nadudurog
Luha'y hindi na sapat
Sa mga gabing ikaw ang hanap
Boses mo at ang 'yong yakap ang kailangan ko
Ikaw ang sagot sa mga
Hapdi at kirot na dala
Ikaw ang kumot sa tuwing ako'y nanlalamig
Ikaw ang lunas na kailangan ko pag gising
Ikaw at ako ay isang
Kabanatang hindi natapos at biglang
Pinunit ng panahon ika'y tinangay roon
At ako ngayo'y naiwanan kasama ng piraso mo
Oh
Oh
Hmm
Hmm