Выберите трек для воспроизведения
'Di ko akalaing darating
Ang tulad mo sa buhay ko
Sa bawat kwento nating lihim
Unti-unti akong nahulog sa'yo
Dati'y takot na magsabi
Baka mawala ka sa sandali
Pero kahit pa ako'y nag-alangan
Ikaw pa rin aking takbuhan
Sa huli ikaw rin pala
Ang matagal ko nang dinadalangin
Lahat ng "baka" at "paano " tayo pala ang dulo nito
Kahit ilang pag-aalinlangan
Ikaw pa rin ang pupuntahan
Sa huli ikaw at ako
Nakikinig sa bawat kwento
Mga ngiti mong 'di ko matanto
Pinipigil ang nadarama
Pero 'di kayang itago pa
Dati'y takot na magsabi
Baka mawala ka s'aking tabi
Pero kahit pa ako'y nag-alangan
Ikaw parin ang nariyan
Sa huli ikaw rin pala
Ang matagal ko nang dinadalangin
Lahat ng "baka" at "paano " tayo pala ang dulo nito
Kahit ilang pag-aalinlangan
Ikaw pa rin ang pupuntahan
Sa huli ikaw at ako
Walang sayang na paghihintay
Lahat ng luha may dahilan
Sa bawat tanong ng puso ko
Ang sagot ay pangalan mo
Sa huli walang alinlangan
Pag-ibig natin ay 'di na lilisan
Lahat ng "baka" at "paano " napawi nang ikaw ang natagpuan
Anuman ang pinagdaanan
Ikaw pa rin ang kasagutan
Sa huli ikaw at ako
Sa huli
Ikaw at ako
Sa huli