
Nais ko pang mabitag sa isang halatang patibong
Kaysa tahakin ang landas na halos lahat ay nagkakagulo
Nais lang ay kalayaan sa gapos ng tanikala
Humihigpit lalo sa pagpiglas
'Di na makakumpas
'Di makawala
Minsang pinagkadamutan sa akin ang kasarinlan
Tila nabali ang pakpak ng agila
Lumpo't 'di makalipad
Lipad
Makakawala
Lilipad
Makakawala
Lilipad