Выберите трек для воспроизведения
May isang bagay na ayaw ko sa iyo
Selos dito, selos doon,
'Yan ang libangan mo
Tuwing may daraang babae sa aking harapan
Agad mong iniisip kita'y pinagtataksilan...
Bakit ako isinilang na guwapo?
Ito ba'y isang sumpa?
Parusa ng tadhana?
Dalangin sa langit
Ako ay maging pangit
Sa pagiging guwapo
Pagod na pagod na ako...
Kagigising pa lang at nag-aalmusal
Agahan kong chicken pastil pinagseselosan
Kahit ang iyong anino,
Inaaway mo
Pinagbibintangan mo na
Kulasisi ko
Bakit ako isinilang na guwapo?
Ito ba'y isang sumpa?
Parusa ng tadhana?
Dalangin sa langit
Ako ay maging pangit
Sa pagiging guwapo
Pagod na pagod na ako
Pinapangarap ko ang iyong mata
Sana'y maduling
Upang dalawa kaming magmamahal
Sa iyong paningin
Bakit ako isinilang na guwapo?
Ito ba'y isang sumpa?
Parusa ng tadhana?
Dalangin...ako ay maging pangit
Sa pagiging gwapo
Hirap na hirap oh..
Bakit ako isinilang na guwapo?
Ito ba'y isang sumpa?
Parusa ng tadhana
Dalangin sa langit
Ako ay maging pangit
Sa pagiging guwapo
Pagod na pagod na ako
Pagod na pagod na ako
Pagod na pagod na akong maging gwapo...