Выберите трек для воспроизведения
Dito ka lang, ha?
Oo naman, hindi ako aalis
Ilang beses nang hinanap
Ang liwanag sa gabing walang buwan
Nagbabaka-sakali na mahanap
Ang isang bituin na gagabay sa madilim kong mundo
Biglang nakita ka
Sa 'di inaasahang pagkakataon
Ilaw ng 'yong ganda
Nahahalina, puwede bang sa 'yo ako?
Ayokong umasa na ikaw na
Sapat na ang sayang dala, sigla sa buhay ko
Oh, aking prinsesa, dinggin mo sana
Hiling ko na hagkan ako, dalhin mo na 'ko sa maliwanag mong mundo
Ilang oras nang naghahanap
Ng masisilungan 'pagkat umuulan
Malabo ang tingin, hirap sa paghinga
Ito'y bitin, sumasabay sa pag-iyak ng mundo
Biglang nakita ka
Kung sa'n tanggap ko na na mag-isa ako
Payong mo na dala
Puwede ba ako diyan sa kanlungan mo?
Ayokong umasa na ikaw na
Sapat na ang sayang dala, sigla sa buhay ko
Oh, aking prinsesa, dinggin mo sana
Hiling ko na hagkan ako, dalhin mo na 'ko sa maliwanag mong mundo
Ooh
Ooh
Ayokong umasa na ikaw na
Sapat na ang sayang dala, sigla sa buhay ko
Oh, aking prinsesa, dinggin mo sana
Hiling ko na hagkan ako, dalhin mo na 'ko sa maliwanag mong mundo
Oh
Dalhin mo na 'ko sa maliwanag mong mundo