Выберите трек для воспроизведения
Hindi ko hiniling na ako'y piliin mo
Pero sana naman, agad sinabi mo
Na may iba akong kahati diyan sa puso mo
Para hindi na naghintay sa imposibleng "tayo"
Bakit iba ang kwento sa likod ng mga ngiti mo?
Ako'y nadamay lang pala sa isip mong litong-lito
Ba't ngayon mo lang sinabi, kung kailan nahuhulog na
Mukhang 'di ka pa aamin, kung 'di ko nalaman sa kanya
Ba't ako pinaniwala, ginamit lang pala
Ngayon ako ang talo, ako lang ang umasa
Meron bang nagawang mali para iyong gaguhin?
Kaya bakit? Ba't ngayon mo lang sinabi?
Siguro nga ay tama na ako ay lumayo
Hindi na dapat hintayin ang gaya mong malabo
Kaya pala may mga tanong na 'di mo kayang sagutin
Kaya pala ang oras mo'y kailangan pang hingin
Bakit iba ang kwento sa likod ng mga kilos mo?
Ako'y nadamay lang pala sa puso mong gulong-gulo
Ba't ngayon mo lang sinabi, kung kailan nahuhulog na
Mukhang 'di ka pa aamin, kung 'di ko nalaman sa kanya
Ba't ako pinaniwala, ginamit lang pala
Ngayon ako ang talo, ako lang ang umasa
Meron bang nagawang mali para iyong gaguhin?
Kaya bakit? Ba't ngayon mo lang sinabi?
Akala ko ika'y iba sa lahat ng aking nakilala
Ang pinakamasakit, siya'y kaibigan ko pa pala
Hindi na dapat pa ako nagtiwala
Kaya paalam, ako ngayon ay kusang bibitaw na
Ba't ngayon mo lang sinabi, kung kailan nahuhulog na
Mukhang 'di ka pa aamin, kung 'di ko nalaman sa kanya
Ba't ako pinaniwala, ginamit lang pala
Ngayon ako ang talo, ako lang ang umasa
Kahit ngayon mo lang sinabi, salamat na rin
Tinuro mo kung sino ang 'di para sa 'kin
Meron bang nagawang mali para iyong gaguhin?
Kaya bakit? Ba't ngayon mo lang sinabi?