Di naman sa pagyayabang
Pero kaya kong tumulay sa lubid
Na walang ginagamit na pangbalanse
Sa taas na isang daang talampakan
Di na kailangan ng isang masigabong palakpakan
Para lang malaman ng buong mundo na
Puso ko'y sayo
Lumunok ako ng isang makalawang na espada
At sumuka ng mga paro paro
Di ito isang laro
Na pag napagod na tayong dalawa ay hihinto
Hihinto
Di naman sa pagyayabang
Pero kaya kitang kilayan
Ang mga kuko mo'y kukulayan nang walang lampas
Pag nabagot ka na
Ikulong mo ko sa kahon na may kandado
At ihulog sa karagatang Pacifico
Iwan mo ang susi dahil hangin ko ay limitado
Kinausap ko ang aking kaibigang alimango
At ako'y nangako sa buwan at mga bituwin
Kahit di ka para sakin ay aking aangkinin
Di naman sa pagyayabang
Pero kaya kong lumakad ng hubad sa kalsada
Kahit merong malaking tiyan
Abutan man ng ulan, tamaan man ng kidlat
Ako'y paulit ulit na mabubuhay
Para ipaalala sa'yo na
Di ka na magiisa, lagi mo kong kasama
Lilipad sa alapaap nang walang inaalala
Gigisingin pag ika'y binabangungot sa gabi
Wag ka nang matakot, di aalis sa iyong tabi
Ako ang liwanag sa gabi mong madilim
Paumanhin kung nagmumuka akong sakim
Di na nanaisin pang humanap ng iba
Puso ko'y sayo, wag ka nang mangamba