Выберите трек для воспроизведения
Ako'y nasa byahe na
Byaheng southbound
Sa lugar na puno ng alaala
Ngiti ang dala sa aking mukha
Bili tayo ng bukopie
Teka gusto ko ng chocomilk
Samahan mo pa ng pastilyas
At kesong puting-puti
Sa 'di inasahang pangyayari
Nahanap ko ang aking sarili
Dito ako namulat
Dito ako lumago
Maroon, luntian at dilaw
Mga kulay mong simbulo nang aking buhay
Tara! Bisita tayo sa Elbi
Tara! Bisita tayo. Bisita tayo
Tara na! Tara na
Hindi na ako makapaghintay
Makita at makapiling ka
Makita at makapiling ka
Kamusta na kaya si Oble
Hindi ba sya giniginaw
Eh si Maria Makiling
Nakapag-pahinga na ba sya
Alam mo ba sa Baker Hall
Kapag madaling araw
May kwentong kuchero
May nakikita na nakaka-panindig balahibo
Awoo Awoo Awoo Awoo
Maroon, luntian, at dilaw
Mga kulay mong simbulo nang aking buhay Ohh
Tara! Bisita tayo sa Elbi
Tara! Bisita tayo. Bisita tayo
Tara na! Tara na
Hindi na ako makapaghintay
Makita at makapiling ka
Makita at makapiling ka
Kay sarap balikan ang nakaraan
Buhay sa campus ay di malilimutan
Nag-aaral sa araw-araw
Sa gabi, gimik at kwentuhan
Naaalala ko tuwing may exam
Sunugan ng kilay, malamang walang tulugan
Group study daw, sa inuman din naman ang patutunguhan
O buhay Elbi! Buhay Elbi. Buhay Elbi. Buhay Elbi
Maroon, luntian, at dilaw
Mga kulay mong simbulo nang aking buhay Haay
Tara! Bisita tayo sa Elbi
Tara! Bisita tayo. Bisita tayo
Tara na! Tara na
Hindi na ako makapaghintay
Makita at makapiling ka
Makita at makapiling ka
Nasasabik sa Feb Fair
Todo pasikat sa Sportsfest
Pagalingan sa Parolan
Taas noo sa Graduation
Inaasam ang Loyalty Day
Mga turo ng ating mga guro
Sa magandang buhay ang patungo
Nahubog ang ating pag-iisip
Busog sa karunungan ang masisilip
O walang makakapigil
Ako'y hindi titigil
Sa iyong piling ay mang-gigigil
O bakit ba ako pilit bumabalik
Sa iyong alaala, ako'y hindi magsasawa
Oh Elbi Elbi Elbi Elbi
Elbi Elbi Elbi
Tapos na ang araw
Ako'y papauwi na
Kailan kita muling makikita
Nasasabik na agad sa susunod na bisita
Oh mahal kong Elbi
Mahal kong elbi
Oh uwoh oh oh
Oh uwoh oh oh ohh ohh