Выберите трек для воспроизведения
Sa unang sulyap sa iyong mukha ay alam ko agad
Na kailangan ng pamagat ng gagawin nating kuwento
Sa bawat ngiti ng 'yong mata ay nahulog ako
Sa mundong umiikot sa 'yo na para bang walang ibang tao
Sana'y samahan mo akong kulayan
Ang kulay abo kong mundo, kung saan
Ikaw lamang ang kulang, hindi magkukulang
Ang pagmamahal ko sa 'yo
Sana'y ikaw at ako
Sa dulo ng pahina ng aking libro
Kasama kang maglalakbay sa bawat yugto
Ng kuwentong sinusulat ko
Mapapangako sa 'yo
Walang-hanggang pagmamahal ibibigay ko
Hanggang sa pagtanda aalalay sa 'yo
Magtiwala ka lang, mahal ko
Sa bawat saya mong dala, napapatanong na ako
Kung totoo ba'ng lahat ng ito, 'di lang mapaniwalang pinili ako
Na makasama mong sabay kulayan
Ang kulay abo kong mundo, kung saan
Tayo lamang ang kulang, hindi magkukulang
Ang pagmamahal ko sa 'yo
Sana'y ikaw at ako
Sa dulo ng pahina ng aking libro
Kasama kang maglalakbay sa bawat yugto
Ng kuwentong sinusulat ko
Mapapangako sa 'yo
Walang-hanggang pagmamahal ibibigay ko
Hanggang sa pagtanda aalalay sa 'yo
Magtiwala ka lang, mahal ko
Kay tagal hinintay ang araw na 'to
Na makita kang naglalakad at patungo
Ng altar, dala ang ating pangako
Na tayo hanggang dulo
Alam kong ikaw at ako
Sa dulo ng pahina ng ating libro
Kasama kang maglalakbay sa bawat yugto
Ng kuwentong sinusulat ko
Mapapangako sa 'yo
Walang-hanggang pagmamahal ibibigay ko
Hanggang sa pagtanda aalalay sa 'yo
Marinig ko lang sagot mong "Oo"