Alam mo bang muntikan na sumuko ang puso ko
Sa paulit-ulit na pagkakataon na nasaktan nabigo
Mukhang delikado na naman ako
O bakit ba kinikilig na naman ako
Pero ngayon ay parang kakaiba
Pag nakatingin sa'yong mata ang mundo ay kalma
Ngayong nandiyan ka na 'di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong
Sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw
'Di akalaing mararamdaman ko muli ang yakap ng panahon habang
Kumakalabit ang init at sinag ng araw (sa lilim ng ulap)
Mukhang di naman delikado
Kasi parang ngumingiti na naman ako
Kaya ngayon di na 'ko mangangamba
Kahit anong sabihin nila
Ngayong nandiyan ka na 'di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong
Sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw
Ngayong nandiyan ka na di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong
Sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Ngayong nandiyan ka na di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong
Sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw